Panalangin
 
 
Posted by Admin on 2017-Jun-30

Panalangin

Ni: Liezel V. Casalla

 

Dati-rati simple lang ang buhay Kristyano, yun bang tipong wala ng hahanapin pa

Maaliwalas ang kapaligiran, pati nga pagsikat ng araw ay kay sarap pagmasdan

Dampi ng hangin, huni ng ibon, kulay ng mga bulaklak, tanawing kay ganda

Mga simpleng detalye ng buhay, na kahit nga kahirapan di mo maramdaman.

 

At ito’y akin lamang naranasan ng sa puso ko nanahan, Panginoong Hesu Kristo

Subali’t… may pagkakataon din naman na ang simple ay nagiging kumplikado

Matinding takot, nakakalunod na lungkot, pag buhay sa mundo umikot

Unti-unti.. para bang ang langit ay nanahimik, kahit panaghoy di na yata umabot.

 

Dati-rati sinisigaw ko pa, Panginoon di ko nais na sa krus ipako kang muli

Ngunit dama ko nasasaktan kita sa mga kasalanang paulit-ulit at paulit-ulit

Kaya’t siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin ang aking puso, ang aking isip

Tingnan mo kung may kasamaan sa akin, dahilan upang puso mo’y di ko malirip.

 

Kahit buto ko’y baliin mo Oh Dios, wag lang malayo sa piling mo Ama

Huwag mo akong bibigyan ng labis at sobra, baka malibang ako’t makalimutan kita

Sapagkat aanhin ko ang yaman kung ang buhay nama’y walang pupuntahan

Nanaisin ko pang maging malinis na sisidlan, may gamit at may kabuluhan.

 

Kaya’t ito ang dalangin ko, ito ang sigaw ng puso ko,

 

“Narito ako, Oh Dios, suguin mo ako”

 

Patotoo

 

Bago ko po ihandog sa Panginoon at sa inyo itong aking tula ay nais ko po sanang ibahagi sa inyo ang kwento kung paano ito nabuo.

Kagagaling ko lang po sa bakasyon kaya’t di ko na inabutan yung unang sermon na ‘Search Me’ but then narinig ko din naman ito sa aming LG Leaders’ Meeting at nagandahan po ako sa theme natin ngayong buwan.  ‘Dangerous Prayer’ na may apat na topics – Search Me, Break Me, Used Me, at Send Me.  After the ‘Break Me’ sermon ay naisip kong maganda syang gawan ng story sa loob ng isang tula.  Kaya’t tinawagan ko po agad si Ptr Freddie kung pwedeng mag render ng Special Number summarizing the theme thru a poem.  After checking the program, I was given a slot.  So I started writing a poem, however, for some reason ay hindi ko ito matapos-tapos.  Sabi ko tapusin ko muna yung ‘Send Me’ sermon baka don ko pa lang ma-complete yung puzzle.  Until Brother Karl made a follow message last Sunday asking kung confirm daw po yung presentation ko sa Friday.  Sabi ko sa kanya to give me till Wednesday.  Unfortunately, Wednesday na di ko pa din tapos after several revisions pa.  This is something unusual sa akin kasi unlike my previous short poetry piece ay mga 3 days ko syang tinatapos during my leisure hours.  Pero ito medyo nahirapan ako.

Kaya Wednesday evening sa aking quiet time, I prayed to the Lord for wisdom and His answer… don’t make other stories, write your own story, yung kwento ng buhay mo ang isulat mo.  The following day, Thursday I scrapped yung tulang di ko matapos-tapos and I started fresh ulit sa bagong piyesa.  By God’s grace, I end up with Tula na naging Patotoo.  Immediately, I message Karl on Thursday afternoon to confirm na natapos ko na and pwede ako sa Friday but what surprises me more is when he replied back, he’s telling me na yung aking testimony ay during offering.  I’m just wondering, kasi we are talking about presentation but how come he knows na it’s actually my personal testimony.  Akala ko tuloy propeta na si Bro Karl (joke).

 

Sana po ay mapagpala kayo ng aking Tulang-Patotoo na nabuo sa biyaya ng Dios.  Ito po ay may title na “Panalangin”.